Mga tauhan sa El Filibusterismo


Ang sumusunod ay ang mga tauhan sa El Filibusterismo.

El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) Tauhan

  1. Simoun - isang mag-aalahas na sinasabing tagapayo ng Kapitan Heneral
  2. Kabesang Tales - ama ni Juli ; nag-aasam na magkaroon ng karapatan sa mga lupaing sinasaka na pagmamay-ari ng mga prayle
  3. Isagani - Minamahal ni Paulita Gomez at pamangkin ni Padre Florentino
  4. Senyor Pasta - siya ang nagsisilbing tagapayo ng mga prayle sa tuwing may mga problema
  5. Tandang Selo - Anak niya si Kabesang Tales
  6. Basilio - matapos mamatay ang kanyang inang si Sisa ay nag-aral siya ng medisina ; iniirog ni Juli
  7. Juli - ama niya si Kabesang Tales ; kasintahan ni Basilio
  8. Macaraig - lumalaban para sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila at isang mag-aaral ; kaagad naglaho sa panahon ng kagipitan
  9. Juanito Pelaez - kabilang siya sa tanyag na angkan na may lahing kastila ; kinatutuwaan ng mga propesor sa kanilang paaralan
  10. Ben Zayb - isang periyodista sa pahayagan
  11. Placido Penitente - estudyanteng nawalan ng sigla dulot ng mga problemang pampaaralan
  12. Padre Camorra - padreng mukhang artilyero
  13. Padre Fernandez - Dominikong pari na may determinasyon
  14. Padre Sibyla - tutol sa pagpapatayo ng Akademya para sa Wikang Kastila at matikas na dominikong pari
  15. Padre Salvi - Paring Pransiskano na kung saan ay naging kura ng San Diego
  16. Padre Florentino - itinuturing na amain ni Isagani
  17. Don Custodio - tinatawag ding Buena Tinta
  18. Padre Irene - kasamahan ng mga kabataan sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
  19. Don Tiburcio - kabiyak ni Donya Victorina
  20. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita Gomez
  21. Gertrude - manganganta sa palabas
  22. Camaroncocido - Isang Kastilang ikinahihiya ang mga kalahi
  23. Tiyo Kiko - malapit na kaibigan ni Camaroncocido
  24. Pepay - di umano’y kaibigan ni Don Crisostomo at isang mananayaw
  25. Sandoval - sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  26. Donya Victorina - asawa ni Don Tiburcio at nagpapanggap na kastila ; tiyahin siya ni Paulita
  27. Paulita Gomez - minamahal ni Isagani
  28. Ginoong Leeds - nagtatanghal sa perya
  29. Hermana Penchang - pinagsisilbihan ni Juli ; madasalin at mayaman
  30. Hermana Bali - siya ang nanghikayat kay Juli na magpatulong kay Padre Camorra
  31. Quiroga - Intsik na negosyante o mangangalakal
  32. Sinong - isang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil sa wala itong sedula at ilaw sa kalesa
  33. Kapitan ng Barko - siya ay magaling na kapitan, beteranong marinero at kayrami nang nasakyan na barkong mabibilis at malalaki
  34. Kapitana Tika - siya ang ina ni sinang at asawa ni Kapitan Basilio
  35. Sinang - kaibigan ni Maria Clara at anak ng mayamang sina Kapitan Basilio at Kapitana Tika
  36. Kabesang Andang - siya ang butihin at ulirang ina ni Placido Penitente
  37. Don Timoteo Pelaez - mayaman at ama ni Juanito Pelaez
  38. Kapitan Tiyago - siya ang tumulong kay Basilio upang makapag-aral ng medisina
  39. Tadeo - siya ang tamad na mag-aaral at palaging nagdadahilan na maysakit upang hindi makapasok
  40. Pecson - siya ay isang mag-aaral na lubos na mapanuri at iniisip ng iba na siya ay palaging nangangamba at nag-aalala dahil hindi agad naniniwala sa mga balita
  41. Padre Millon - siya ay isang propesor ng pisika at kemika
  42. Tano - nagsundalo siya at anak ni Kabesang Tales
  43. Kapitan Heneral - siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan

Iba pang mga Tauhan:

  1. Kababayan ni Tadeo - bagong salta sa lungsod
  2. Hukom Pamayapa - Sa kanya humingi ng tulong sina Hermana Bali at Juli upang si Basilio ay mapalaya
  3. Mr. Jouy - naghatid ng mga mang-aawit na Pranses upang magtanghal ng opera sa Kamaynilaan
  4. Kalihim - tagapagsabi ng mahahalagang usapin sa Kapitan Heneral
  5. Maestro - magaling na lumikha ng paputok at isang tagapagturo sa Tiani
  6. Orenda - mag-aalahas sa Sta. Cruz
  7. Binday - matapat na dalaga
  8. Tia Tentay - siya ay tiyahin ni Sensia
  9. Kapitan Toringgoy - mahilig mamasyal at magliwaliw
  10. Kapitana Loleng - mabuting Kapitana
  11. Tinay - si isagani ay nakalaro niya ng sungka
  12. Momoy - siya ang kasintahan ni Sensia
  13. Sensia - kabighabighani
  14. D. Eusebio - namumuno ng Aduana
  15. D. Eulogio - dating sarhento ng karabinero
  16. D. Bonifacio Talon - isang Sapatero
  17. Armendia - piloto

Ngayong alam mo na ang mga tauhan, maari mo ding basahin ang buod ng El Filibusterismo.

Comments


No comments yet. Be the first to leave a comment.