Ang Cupid at Psyche ay mula sa panitikan ng Mediterranean. Isinulat ito ni Lucius Apuleius Madaurensis (mas kilala bilang Platonicus) noong ikadalawang siglo. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche para sa pag-iibigan nila. Ang kwentong ito ay isinalin ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat. Upang mas maintindihan pa ang storyang ito, nandito ang maikling buod ng Cupid at Psyche:
Table of Contents
Buod ng Cupid at Psyche
Nagsimula ang istoryang “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na ubod ng ganda na si Psyche. Ngunit kahit gaano pa siyang kaganda, wala pa rin siyang asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan, sa halip ay gusto nalang nila siyang sambahin. Lingit sa kaalaman ni Psyche, nagagalit na niya ang Diyosa ng kagandahan na si Venus, sapagkat tila ba nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan dahil lamang sa isang mortal.
Dahil sa inggit nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Nagpatulong siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay napaibig din sa kanyang kagandahan kaya hindi niya nasunod ang plano.
Samantala, sa kagustuhan ng amang hari ni Psyche na magkaroon na si Psyche ng mapapangasawa, komunsulta siya kay Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna ng humingi ng tulong si Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung paano matatagpuan ni Psyche ang halimaw na iibig sa kaniya.
Sumunod ang hari sa gabay ni Apollo.
Pinadala nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa. Nagluksa ang lahat sa pag-aakalang katapusan na iyon ni Pysche. Takot at pangamba ang nangingibabaw kay Psyche. Dumating na si Zypher, ang susundo kay Psyche patungo sa kaniyang asawa. Nang maihatid na niya si Psyche sa palasyo ng kanyang mapapangasawa, nawala ang lahat ng kanyang takot, lalo na ng mapakinggan ang malambing na boses ng kanyang mapapangasawa. Hindi niya nakikita ang asawa, sa halip ay naririnig lamang niya ang tinig nito.
Isanggabi, nag-usap si Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na magdadala sa kanya ng kapahamakan.
Noong nagluluksa ang mga kapatid ni Psyche para sa kanya, narinig niya iyon. Sa sobrang awa, nakiusap si Psyche kay Cupid. Kahit sobrang bigat ng desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan niya si Psyche. Inihatid ni Zephyr ang dalwang kapatid patungo sa palasyo. Lubos na namangha ang mga ito dahil ang palasyo ay ginto. Naiingit sila kay Psyche kaya gumawa sila ng masamang plano laban sa kanyang kapatid. Ginulo ng dalawang kapatid ni Psyche ang isip niya hanggang hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid mm marapat niya itong patayin.
Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay natigilan. Sa liwanag ng dala niyang lampara, sa wakas, nakita na niya anh mukha ng kanyang asawa. Nakita niyang si Cupid ay hindi halimaw, kundi ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Labis ang kanyang pagsisisi. Sa kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni Cupid, inilapit niya ang lampara. Sa kasamang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya ay nagising at nalaman ang pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis upang pumunta sa kanyang inang si Venus. Kinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag pa ito lalo sa galit ni Venus kay Psyche.
Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng Diyosa na si Venus dahil sa kanyang nagawa. Kahit na gayun, gagawin niya ang lahat para patunayan ang kanyang pagmamahal kay Cupid.
Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus, nagbabakasakaling andun ang kanyang asawa at para humingi ng tawad kay Venus. Sa mga panahong iyon, nagpapagaling pa si Cupid. Binigyan ni Venus si Psyche ng tatlong pagsubok. Una, ang pagsasama sama ng uri ng buto, natapos niya iyon sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang pagkuha ng buhok sa mga mababangis na tupa, nalagpasan niya ang pangalawang pagsubok sa payo ng isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim na tubig mula sa mabatong balon, naisakatuparan rin niya iyon sa tulong ng isang agila. Tila ba lahay ay sumasang-ayon sa kaniya ang lahat, natapos niya ang tatlong pagsubok.
Hindi na kontento si Venus sa pagpapahirap kay Psyche kaya naman binigyan pa niya ito ng isa pang pagsubok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at inutusan niya ito para humingi ng kaunting kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Tulad ng mga naunang pagsubok, may tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng isang tore kung paano siya makakapunta at makakapasok sa kahariaan ni Hades. Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa kaharian sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi ni Venus. Si Psyche ay pabalik na sa kaharian, ngunit natukso siyang buksan ang kahon at kumuha ng kaunting kagandahan para umibig ulit sa kanya si Cupid, sa pag-aakalang ‘di na siya mahal ng kanyang asawa. Sa pagbukas niya ng kahon, bigla siyang nanghina at nakatulog.
Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang walang malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at tuluyan ng matapos ang kaniyang pagsubok.
Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang pagsubok, samantalang si Cupid naman ay humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na gambalain pa ng ina ang pagmamalan nila.
Nagpapulong si Jupiter sa mga diyos, sinabihan niya ang lahat na wala nang pwede pang gumabala kay Cupid At Psyche maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa pamamagitan ng pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng mga kaluluwa.
Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay napanatag na sapagkat diyosa narin si Pysche. Naging maligaya narin ang mag-asawa.
Mga tauhan sa Cupid at Pysche
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tauhan sa Cupid at Pysche.
- Cupid
- Diyos ng Pag-big
- Mapagmahal na asawa
- Handang magsakripisyo para sa pinakamamahal niya
- Psyche
- Pinakamaganda sa magkakapatid
- Sinasamba ng mga kalalakihan
- Asawa ni Cupid
- Diyosa ng Kaluluwa
- Determinado sapagkat hindi siya sumuko sa mga pagsubok na binigay sa kanya ni Venus
- Venus
- Diyosa ng kagandahan
- Ina ni Cupid
- Inggit sa kagandahan at papuring natatamo ni Psyche
Iba pang mga tauhan
- Amang hari ni Psyche – Pumunta kay Apollo para humingi ng payo para sa kanyang anak
- Apollo
- Mensahero ng mga diyos
- Tumulong kay Cupid at sa ama ni Psyche
- Dalawang kapatid ni Psyche
- Nagplano ng masama laban kay Psyche
- Inggit ang nanaig sa dalawa
- Zephyr – naghatid kina Psyche at mga kapatid niya sa palasyo ni Cupid
- Persephone
- Asawa ni Hades
- Nagpaunlak sa hiling ni Venus
Mga aral mula sa Cupid At Psyche Tagalog
- Hindi mabubihay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala
- Ang pagmamahal ay isang sakripisyo. Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo para lamang mapasaya siya. Tulad ng ginawa si Cupid na payagan si Psyche sa mga nais niya kahit ito ay sobrang labag sa kalooban ni Cupid.
- Hindi mo kailan man mabibihag ang pag-ibig. Sa kwento nila Cupid at Psyche, madami man silang hinarap na pagsubok, hindi sila natinag hanggang makamit ang pag-ibig nilang ninanais.
Batayan / Sanggunian
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Cupid_and_Psyche
Kung may ediya ka sa kwentong ito, maari kang mag-iwan ng komento!