Diyos At Diyosa ng Greek At Rome

You are currently viewing Diyos At Diyosa ng Greek At Rome

May labingdalawang Diyos At Diyosa sa mitolohiya ng Greece at Rome. Ang bawat diyos ng Greece ay may katumbas na diyos sa Rome, ibig sabihin ay hindi nagkaka-iba ang diyos ng Greece sa diyos ng mitolohiya ng Rome, sa halip ay napaltan lamang ang pangalan nito. Ang bawat isa sa kanila ay may taglay na kapangyarihan at mga gampanin. Ang mga sumusunod ay ang mga Diyos at Diyosa ng Greece At Rome:

Greek-Zeus / Roman-Jupiter

  • hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon, pinagharian niya lahat ng diyos mula sa kanyang Palasyo na nasa taas ng Bundok ng Olimpo
  • tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
  • asawa niya si Juno
  • Ang sandata niya ay ang kidlat na may kasamang malakas na kulog
  • Ang ama ni Zeus sa mitolohiyang Griyego ay si Cronus

Greek-Hera / Roman-Juno

  • reyna ng mga diyos
  • tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
  • asawa ni Jupiter
  • Ang “Hera” ay nangangahulugang “dilag” o “luningning ng kalangitan

Greek-Poseidon / Roman-Neptune

  • kapatid ni Jupiter
  • hari ng karagatan, lindol
  • kabayo ang kaniyang simbolo

Greek-Hades / Roman-Pluto

  • kapatid ni Jupiter
  • panginoon ng impiyerno

Greek-Ares / Roman-Mars

  • diyos ng digmaan
  • buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya

Greek-Apollo / Roman-Apollo

  • diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
  • diyos din siya ng salot at paggaling
  • dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

Greek-Athena / Roman-Minerva

  • diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
  • kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

Greek-Artemis / Roman-Diana

  • diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan

Greek-Hephaestus / Roman-Vulcan

  • diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

Greek-Hermis / Roman-Mercury

  • mensahero ng mga diyos,
  • Bihasa sa paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang

Greek-Aphrodite / Roman-Venus

  • diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
  • kalapati ang ibong sumisimbolo sa kaniya

Greek-Hestia / Roman-Vesta

  • kapatid na babae ni Jupiter
  • diyosa ng apoy mula sa pugon

Ngayong alam mo na ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Greek at Roma, maari mo ding basahin ang akdang Cupid At Psyche .

Keyword:

Diyos ng greece, diyos ng rome, greece at rome, diyos at diyosa ng greek at Roma

Source/Copyright:

Grade 10 Filipino Module

Revised by PinoyNewbie

This Post Has One Comment

  1. nector

    maraming salamat po sa pagbibigay ng kaalaman magagamit sa paaralan

Leave a Reply