Ang sumusunod ay ang mga tauhan sa El Filibusterismo.
El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) Tauhan
- Simoun – isang mag-aalahas na sinasabing tagapayo ng Kapitan Heneral
- Kabesang Tales – ama ni Juli ; nag-aasam na magkaroon ng karapatan sa mga lupaing sinasaka na pagmamay-ari ng mga prayle
- Isagani – Minamahal ni Paulita Gomez at pamangkin ni Padre Florentino
- Senyor Pasta – siya ang nagsisilbing tagapayo ng mga prayle sa tuwing may mga problema
- Tandang Selo – Anak niya si Kabesang Tales
- Basilio – matapos mamatay ang kanyang inang si Sisa ay nag-aral siya ng medisina ; iniirog ni Juli
- Juli – ama niya si Kabesang Tales ; kasintahan ni Basilio
- Macaraig – lumalaban para sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila at isang mag-aaral ; kaagad naglaho sa panahon ng kagipitan
- Juanito Pelaez – kabilang siya sa tanyag na angkan na may lahing kastila ; kinatutuwaan ng mga propesor sa kanilang paaralan
- Ben Zayb – isang periyodista sa pahayagan
- Placido Penitente – estudyanteng nawalan ng sigla dulot ng mga problemang pampaaralan
- Padre Camorra – padreng mukhang artilyero
- Padre Fernandez – Dominikong pari na may determinasyon
- Padre Sibyla – tutol sa pagpapatayo ng Akademya para sa Wikang Kastila at matikas na dominikong pari
- Padre Salvi – Paring Pransiskano na kung saan ay naging kura ng San Diego
- Padre Florentino – itinuturing na amain ni Isagani
- Don Custodio – tinatawag ding Buena Tinta
- Padre Irene – kasamahan ng mga kabataan sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
- Don Tiburcio – kabiyak ni Donya Victorina
- Paciano Gomez – kapatid ni Paulita Gomez
- Gertrude – manganganta sa palabas
- Camaroncocido – Isang Kastilang ikinahihiya ang mga kalahi
- Tiyo Kiko – malapit na kaibigan ni Camaroncocido
- Pepay – di umano’y kaibigan ni Don Crisostomo at isang mananayaw
- Sandoval – sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Donya Victorina – asawa ni Don Tiburcio at nagpapanggap na kastila ; tiyahin siya ni Paulita
- Paulita Gomez – minamahal ni Isagani
- Ginoong Leeds – nagtatanghal sa perya
- Hermana Penchang – pinagsisilbihan ni Juli ; madasalin at mayaman
- Hermana Bali – siya ang nanghikayat kay Juli na magpatulong kay Padre Camorra
- Quiroga – Intsik na negosyante o mangangalakal
- Sinong – isang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil sa wala itong sedula at ilaw sa kalesa
- Kapitan ng Barko – siya ay magaling na kapitan, beteranong marinero at kayrami nang nasakyan na barkong mabibilis at malalaki
- Kapitana Tika – siya ang ina ni sinang at asawa ni Kapitan Basilio
- Sinang – kaibigan ni Maria Clara at anak ng mayamang sina Kapitan Basilio at Kapitana Tika
- Kabesang Andang – siya ang butihin at ulirang ina ni Placido Penitente
- Don Timoteo Pelaez – mayaman at ama ni Juanito Pelaez
- Kapitan Tiyago – siya ang tumulong kay Basilio upang makapag-aral ng medisina
- Tadeo – siya ang tamad na mag-aaral at palaging nagdadahilan na maysakit upang hindi makapasok
- Pecson – siya ay isang mag-aaral na lubos na mapanuri at iniisip ng iba na siya ay palaging nangangamba at nag-aalala dahil hindi agad naniniwala sa mga balita
- Padre Millon – siya ay isang propesor ng pisika at kemika
- Tano – nagsundalo siya at anak ni Kabesang Tales
- Kapitan Heneral – siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan
Iba pang mga Tauhan:
- Kababayan ni Tadeo – bagong salta sa lungsod
- Hukom Pamayapa – Sa kanya humingi ng tulong sina Hermana Bali at Juli upang si Basilio ay mapalaya
- Mr. Jouy – naghatid ng mga mang-aawit na Pranses upang magtanghal ng opera sa Kamaynilaan
- Kalihim – tagapagsabi ng mahahalagang usapin sa Kapitan Heneral
- Maestro – magaling na lumikha ng paputok at isang tagapagturo sa Tiani
- Orenda – mag-aalahas sa Sta. Cruz
- Binday – matapat na dalaga
- Tia Tentay – siya ay tiyahin ni Sensia
- Kapitan Toringgoy – mahilig mamasyal at magliwaliw
- Kapitana Loleng – mabuting Kapitana
- Tinay – si isagani ay nakalaro niya ng sungka
- Momoy – siya ang kasintahan ni Sensia
- Sensia – kabighabighani
- D. Eusebio – namumuno ng Aduana
- D. Eulogio – dating sarhento ng karabinero
- D. Bonifacio Talon – isang Sapatero
- Armendia – piloto
Ngayong alam mo na ang mga tauhan, maari mo ding basahin ang buod ng El Filibusterismo.