Paano Kumita Online?

You are currently viewing Paano Kumita Online?

Intro muna tayo mga idolo. Dahil sa nararanasan nating pandemya, madami sa mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Madami ang patuloy pa ring nag-iisip kung paano nga ba sila kikita ngayong panahong limitado ang paggalaw ng mga tao dahil sa quarantine. Isa sa maaari mong gawin ay humanap ng paraan kung paano kumita online.

Sa blog post na ito, tuturuan ko kayo ng mga sigurado at lehitimong paraan para kumita online. Ang mga sumununod na paraan ay ang blogging, freelancing, affiliate marketing at online selling. Ang mga nabanggit ay subok na at maasahan sa pahahon ng kagipitan.

1. Blogging

kumita online sa blogging

Kahit ano pa mang edad o pinag-aralan mo ay sigurado akong maalam kang magbasa at magsulat. Alam mo bang pwede mo itong pagkakitaan? Isa sa pinakasikat na paraan kung paano kumita ng pera online ay ang pagsusulat ng mga kontent para sa isang blog o website. Marami na ang taong nagtagumpay sa larangang ito at kumikita ng higit pa sa kanilang pangangailangan. 

Kung ikaw ay interesado, maari mong sundan ang pangkalahatang ediya kung paano magsimulang kumita sa blog. Magpatuloy ka lang ng pagbabasa sa ibaba.

Paano magsimulang kumita online sa blogging?

Ang pagsulat at pagkita sa pagsusulat o blogging ay hindi basta na. Ito ay may sinusunod na proseso. Ang blogpost na ito ay magbibigay gabay sa kung paano ka makakapagsimulang kumita online sa pamamagitan ng blogging. Malaki ang tsansa mong kumita ng pera online basta’t susundin at seseryosohin mo ang gabay sa ibaba.

  1. Pumili topic o paksa para sa iyong gagawing blog. Pumili ng paksa at katergoya na komportable kang magsulat. Kung wala kang ediya kung anong topic ang gusto mong sulatin, narito sa ibaba ang pwede mong pagpilian.
    1. Technology (Phones, Laptop, New technologies, online gaming)
    2. Pinansyal
    3. Edukasyon
    4. Lifestyle
    5. How-to blogs
    6. Paglalakbay o travel blogs
  2. Magregister ng domain name. Upang makapagsimula ka ng blog, kinakailangan mong magkaroon ng domain name. Ito ay ang address ng iyong website. Halimbawa, ang website na ito ay mayroong domain name na PINOYNEWBIE.COM. Ito ang magiging pagkakakilanlan ng iyong website.
    Mga website kung saan pwede mag register ng domain name at web hosting:
    1. Godaddy.com
    2. namecheap.com
  3. I-setup ang website. Kung may budget ka na, maari kang bumili ng webhosting sa mga nasabing link sa taas. Kung wala ka pa namang budget, maari kang mag-setup nalang ng libreng blog sa BLOGGER.COM.
  4. Pag-aralan ang keyword research at magsulat para sa blog. Dahil mayroon ka ng blog, maari ka nang magsimulang magsulat ng mga nilalaman. Paano umisip ng content? Pag-aralan mo ang keyword research. Madaming guide sa google ang pwede mong basahin at panoorin para matutunan mo ito. Sa mga next blog post, akin itong tatalakayin.
  5. Ipromote sa social media at mag-aral ng SEO. Dahil may content ka na, kailangan mo na lang ngayon ng mga reader. Maari kang maggawa ng page sa Facebook, o pag-aralan ang Search Engine Optimization o SEO para makita sa Google results ang iyong blog.
  6. Imonetize ang blog. Congrats! Narating mo na ang pinakadulo at pinaka exciting na part ng blogging! Ang pagkita ng pera. Sa baba ituturo ko naman sayo kung paano ka kikita gamit ang napundar mong website o blog.

Mga paraan para kumita online sa blogging

  1. Advertising o Google Adsense. Ito ang pinakamadaling paraan para mamonetize o pagkakitaan ang iyong website. Kapag sa tingin mo ay handa na ang iyong blog, mag-apply ka lamang sa Google Adsense.
    Paano mo malalaman na handa na para sa Adsense ang iyong website? Sa baba makikita mo ang checklist na kailangan mo para sa iyong website.
    1. May 15 na naka-publish na blog post. Mas maganda kung mayroong 300+ words ang kada post.
    2. Mayroong kumpletong pahina tulad ng Privacy Policy, Contact page, at About Page.
  2. Affliate Marketing. Ito ay ang paglalagay ng mga promoted product links sa iyong mga blog post. Sa padulong bahagi, ituturo ko kung paano mo ito magagawa.

2. Freelancing

Ano nga ba ang freelancing? Sa madaling salita, ang freelancing ay pagiging self-employed kung saan mag-ooffer ka ng iba’t-bang serbisyo sa iyong kleyente. Isipin mo na lamang ito bilang office job, ngunit kontrolado mo ang iyong oras at pwede kang magtrabaho kahit nasaang lugar ka man basta mayroon kang PC at internet connection.

Mga dapat tandaan bago magsimula sa freelancing

  1. Pumili ng skill. Para makapagsimula ka sa freelancing dapat mayroon kang skill na maiooffer sa iyong mga kleyente. Madaming serbisyo ang pwede mong pagpilian. Ito ay ang mga sumusunod.
  • Virtual Assistant
  • Graphic Design
  • Writing/Content Creation
  • Web and App Development
  • Online tutor
  • Video Editor
  • Programming
  1. Gumawa ng account sa mga freelancing website. Ang tanong, saan ka pwedeng mag-apply ng trabaho para makapagsimula ka na ng iyong freelance? Narito ang mga sumusunod na website kung saan ka pwede kumuha ng iyong kleyente
    1. Upwork.com
    2. OnlineJobs.ph
    3. Fiverr.com

3. Gumawa ng profile o portfolio. Upang makita ka ng iyong mga kliyente, dapat mayroon kang maipapakitang profile at portfolio sa kanila. Makakagawa ka ng profile sa pamamagitan ng iba’t ibang website na nabasa mo sa itaas. Kapag kompleto na at may maiioffer ka nang serbisyo, mag apply ka lamang sa job listing sa mga nasabing website. Goodluck!


3. Online Selling

Isa ito sa pinagkakakitaan ngayon ng marami na kapwa nating Pilipino. Marami akong nakikitang pinoy na kumikita ng malaking halaga sa online selling. 

Paano magsimulang magbenta online?

  1. Humanap ng maari mong maging produkto.
  2. Humanap ng supplier.
  3. Magbenta sa Facebook profile, Facebook Marketplace o sa mga e-commerce website.

Para sa full guide kung paano magsimula ng online selling, pwede mong basahin ang “Guide to Start Online Selling in The Philippines” na artikulo. Click here to read!


4. Affiliate Marketing

Ang affiliate marketing ay isa sa pinaka sikat na uri ng marketing sa industriya. Affiliate marketing ang tawag sa pagpopromote ng produkto ng ibang tao, kapalit ay kaunting porsyento o komisyon mula sa bentang makukuha. Maraming mga kompanya ang nagbibigay ng malaking bonus kapag ikaw ay nagpromote ng kanilang produkto at ikaw ay nakabenta. Sa pag-shishare ng iyong mga paboritong brand at produkto, maari kang kumita ng malaki online.

Paano magsimula sa affiliate marketing?

Ang pinaka importante at dapat mong tandaan bago ka maggawa ng affiliate account ay pagkakaroon ng website o facebook page kung saan mo ibabahagi ang iyong promoted products. Kapag sa tingin mo na makakakuha ka ng product link clicks mula sa iyong FB page, website o blog, pwede ka nang magregister sa mga affiliate websites.

Ang sumusunod na listahan sa ibaba ay ang mga sikat na affiliate website dito sa Pilipinas. Iclick mo lang ang link sa baba kung gusto mong mag sign-up bilang promoter.

  1. Lazada Affiliate Marketing. Para sa akin, itong website na ito ang pinakamalaki kung magbigay ng sahod sa kanilang mga affiliates. Para mag register magtungo lamang sa Lazada Affiliate page at mag sign-up.
    Mga link na makakatulong sayo upang makapagsimula (Sponsored. Paki-skip nalang po ng ad.):
    1. How to register with Lazada Affiliate Video Tutorial – HERE
  2. Involve Asia. Ang Involve Asia ay isang platform na nag-ooffer ng affiliate tools para sa malalaking kumpanya. Kabilang na dito ang Shopee, Lazada, Zalora, Nike, Adidas at marami pang iba. Sa platform na ito, pwede ka magpromote ng mga link ng produkto mula sa malalaking online shopping website.
    Kumpara sa direct na Lazada Affiliate, mas kakaunti ang requirements ng Involve Asia. Ang kailangan mo lang siguraduhin bago ka mag-register sa website na ito ay mayroon kang active page o website. Ang disadvantage lamang sa platform na ito ay mas mababa ang komisyon sa mga hindi sikat na brand at produkto.
    Kung nais mong magsimula maging affiliate sa Involve Asia at kumita ng pera online sa pag-shishare lamang ng mga product link, magtungo lamang sa Involve Asia website at mag-signup.
  3. Shopee Affiliates. Nag-ooffer din ang direct affiliate ang Shopee. Kung ikaw ay interasado, magregister lang sa Affiliate page ng Shopee.

Resources

  • https://unsplash.com/photos/rfNLa1HL7eY/info
  • https://unsplash.com/photos/SL5d_8ywAAA
  • https://unsplash.com/photos/Ta3f1ZcCgWg

Leave a Reply