Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa Pananaliksik

You are currently viewing Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa Pananaliksik

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik at ito ay mababasa natin sa baba:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

  1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
  2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.
  3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
  4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
    Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

Mga Hanguan ng Paksa

Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng mga paksang iyong sasaliksikin. Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:

  1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.
  2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
  3. Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at radyo ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood natin sa T.V at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at TRAIN Law.
  4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating pananaliksik.
  5. Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na ating nababasa.
  6. Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon at Akademya.

Paglilimita ng paksa

Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong malawak ang ating pag-aaralan.

Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong pamagat sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga

  • Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan lamang ang sakop ng ating pag-aaralan.

Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018

  • Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.

Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.

  • Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral

Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.

  • Uri o Anyo

Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan

  • Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik

Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila

  • Pangkat o Grupo

Nalimitang Paksa:
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral

  • Partikular na halimbawa o kaso

Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito

  • Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama samahin ang mga batayan.

Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example, Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018

Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!

Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa Pananaliksik

Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw, madaling maintindihan, tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa dalwampu(20). Mas magandang sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”, “Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik 🙂 .
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, ” Isang Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri” “Paghahambing na pagsusuri” at iba pang salita na maiihalintulad dito.


Nahihirapan pa din? Narito ang ilan sa halimbawa ng mga napapanahong paksa at pamagat Pakipalitan na lamang ng salitang nasa loob ng [brackets]

Halimbawa ng wastong pagpili ng paksa

Narito ang mga halimbawa ng mga paksang pwede mong pagbasehan sa pagpili ng wastong paksa. Ang mga sumusunod ay hinango sa mga napapanahong isyu na dapat mabigyan ng atensyon.

Paksa: Droga
-Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga taong gumagamit nito sa [lugar] sa taong [2017-2018] : Isang pag-aaral
Updating AND COLLECTING MORE!

Pinagkunan at basehan:
SlideShare – Hannah Elaine Lee

This Post Has 15 Comments

  1. Elsa panelo

    Ano po ba sa tingin niyo ang magandang pamagat ng isang tesis sa mga nangyayari po ngayon sa ating bansa?

  2. Krystel de guzman

    Pls help po . Pamagat sa thesis namin .. Filipino major po

  3. Virhenia jualayba

    Help ano poh ang mgandang paksa

    1. sheila layda

      pa help po ng magandang pamagat sa tesis sa panahong nagyon

  4. rachel more

    please po tulungan nyo po ako maghanap ng paksa para sa pananaliksik ko please ..

  5. Wadzdie abubakar

    Bigyan nyo ba ako ng tittle para sa defence namin. Filipino subject. Please!!! 😢

  6. Hanna

    Pahingi po ng mas unique na paksa

  7. Angela MAchica

    ANO PO ANG PWEDING PAKSA SA PANANALIKSIK SA FILIPINO 🙁 HELP POOOO

  8. jasminecalumpit

    Magandang topic po sa pananaliksik . Tungkol sa mga problema ng school. Suggest as many as you can po. Thanks po

    1. Pinoy Newbie
      • Epekto ng modernong teknolohiya
        Kahalagahan ng pagbabasa ng mga libro
        Pagkahumaling sa Online games o computer games
        Epekto ng bullying
        K-12 program
  9. RICHARD D. LADAGA

    please help po sa paggawa ng paksa para sa title defense ko po.

    1. Pinoy Newbie

      Kaya nyo po yan :).
      Nasa blog post po namin ang mga pwedeng pagkuhanan ng paksa :). Salamat sa pagbabasa 😀

  10. dravenjames

    it helps us a lot……

  11. aries

    very helpful sya

    1. Pinoy Newbie

      Thank you po sa pag appreciate ng blog post namin patungkol sa pagpili ng paksa :).

Leave a Reply