Ang Epiko ni Sundiata (Sundiata Keita) [Sundiata Epiko ng Sinaunang Mali – Tagalog version] ay isang epikong tula na nagmula sa mamamayan ng Malinke. Nabibilang ito sa mga panitikang nailimbag sa Afrika. Isinalin ni J.D. Pickett sa wikang Ingles at isinalin naman sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora. Tungkol ito sa kwento ni Sundiata Keita, ang nagtatag ng Emperyo ng Mali. Ang epikong ito ay pinatili ng mga griot (story teller) ng mahabang panahon [Wiki]. Sa pagbasa ng buod ng Sundiata, mas mauunawaan mo ang daloy ng kwentong ito.
Table of Contents
Buod ng Sundiata Epiko ng Sinaunang Mali
Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwang mangangaso na si Maghan Sundiata (Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na siya pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng kanyang pinaka-unang asawa na si Sassouma Bérété na si Dankaran Touma, kanyang anak ang magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na si Sogolon Kadjou, at sila ay naghirap.
Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon ng baobas kaya nagpunta siya kay Reyna Sassouma Bérété upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na bigyan siya ay pinahiya pa siya ni Sassouma.
Umuwisiya na puno ng kahihian at puot. Pagka-uwi ng bahay ay napagbuhusan niya ng galit ang kanyang anak na si Mari Dyata. Pinangako naman ni niya na makakatayo na siya sa araw ding iyon, at di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at ugat ng baobab.
Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama, si Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay natunghayan ng mga panday ang himala ng Diyos para kay kanya.
Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya ay lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas ang kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana. Umawit ng “Himno ng Pana” si Balla Fasséké habang lubos ang galak na nadama ni Sogolon nang nasaksihan ang unang hakbang ng kanyang anak.
Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na yun ay lubos na paggalang na ang tinamasa ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang hukbo si Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero at haring mananakop ng Sosso ay unti unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng Mali. Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, aa kaguatuhang makapaghiganti ng pamangkin niyang si Fakoli, sumagpi siya kay Sundiata. Sinabi nila Fakoli at Nana Triban kanya ang makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay ang pagdampi ng tari ng tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi kay Soumaoro. Sa pagtatagpo ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may tari ng tandang, pag atake, dumaplis ito sa balikat ni Suomaoro.
Unti-unting nanghina si Suomaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya gamit ang kanyang kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba lang sofas ng Sosso. Di kalaunan, napabagsak nadin nila ang lungsod ng Sosso.
Mula noon, si Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinaka hari at pinamunuan niya ang buong Emperyo ng Mali.
Mga tauhan ng Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan sa epikong Sundiata:
- Mari Djata / Maghan Sundiata
- Magiging magaling na magdirigma ayon sa hula
- Sa edad na pitong taon, hindi pa nakakalakad
- Leon ang simbolo niya
- Hindi maalam sumusuko
- Maghan Kon Fatta
- Hari ng Emperyong Mali
- Ama ni Sundiata
- Sogolon Kadjou
- Ina ni Maghan Sundiata
- Ikalawang asawa ni Maghan Kon Fatta
- Ayon sa kwento ng mga griot, siya ay kuba at pangit
- Sassouma Bérété
- Unang asawa ni Maghan Kon Fatta
- Nagpahirap sa ina ni Maghan Sundiata
- Nagpalayas kina Maghan Sundiata sa kanilang kaharian
- Dankaran Touma
- Anak ni Haring Maghan Kon Fatta kay Sassouma Bérété
- Itinalagang hari sa pagkamatay ng kanyang amang hari
- Balla Fasséké
- anak ni Gnankouman Doua
- Griot ni Sundiata
- Nagsabi kay Farakouro na gumawa ng isang bakal na tungkod para kay Sundiata
- Mandang Bory
- Matalik na kaibihan ni Maghan Sundiata
- Anak ni Maghan Kon Fatta sa ikatlong asawa
- Kapatid ni Sundiata
- Farakourou
- Pinakamagaling na panday sa Emperyong Mali
- Soumaoro Kanté
- Malupit na hari ng lungsod ng Sosso
- Isa ring manggagaway/salamangkerong hari
- isang mananakop ng ibang kaharian
- tari ng tandang ang kanyang kahinaan
Iba pang tauhan sa Sundiata
- Fakoli
- Pamangkin ni Soumaoro
- Tapat kay Sundiata at nag traydor kay Soumaoro
- Nana Triban
- nagsabi kay sundiata ng lihim na kahinaan ni Soumaoro
- Sosso Balla
- Ang anak ni Soumaoro
- Mga Sossong sofas
- Mga mandirigma ng Sosso.
Aral mula sa Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Binibigyan tayo ng kwentong ito ng inspirasyon upang maging matatag sa lahat ng pagkakataon. Tulad na lamang ng katauhan ni Sundiata, hindi siya sumuko hanggang sa matupad niya ang kanyang mithiin, ang makalakad at maging isang mahusay na mandirigma at lider. Dapat ding hindi tayo nagpapatalo sa mga taong mapang-api at wala nang ginawa kundi mantapak ng kaniyang kapwa.
Kung may idadagdag pa kayo o kaya maisasuggest sa blog post na ito (Epiko ni Sundiata), maari kayong mag iwan ng comment para mailagay ko din ang iyong ideya! Salamat sa pag-visit!
Ano po ang paksa nito?
Ano Ang mahalagang pangyayari?
This article’s help’s alot to take an idea.. So i hope that your article can help other persons..😁😀😊😊