Ang El Filibusterismo ay nobelang nilikha ni Rizal pagkatapos ng kanyang Noli Me Tangere. Kung ang Noli Me Tangere ay ang nobelang nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino, ang El Filibusterismo naman ang nakatulong kina Andres Bonifacio at sa Katipunan para maiwaksi ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik noong 1896. Upang lubos na na maunawaan, narito ang buod ng El Filibusterismo.
Maikling Kabuuan ng El
Filibusterismo(Ang paghahari ng Kasakiman)
Isang bapor tabo ang naglalayag at sakay nito sina Simoun, Isagani, Basilio, Kapitan Heneral, Donya Victorina,Don Custodio, Padre Irene, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Kapitan Basilio,at Padre Florentino. Napag-usapan nila ang tungkol sa suliranin sa ilog. Makikita rin sa bapor tabo ang mahirap na kalagayan ng mga taong nasa ilalim ng kubyerta. Napag-usapan din ng ilang nabanggit na tauhan ang tungkol sa ilang mga alamat.
Nang makarating si Basilio sa San Diego ay nakita niya si Simoun sa lugar kung saan nakalibing ang kanyang inang si Sisa. Nalaman niya na ang mag-aalahas na si Simoun ay walang iba kundi si Crisostomo Ibarra na nagbabalatkayo. Tinangka ni Simoun na patayin si Basilio upang ang lihim niya ay hindi mabunyag. Naghunos-dili si Simoun at hinikayat na lamang si Basilio upang tulungan siyang maghiganti at baguhin ang bulok na sistema ng pamahalaan. Ngunit tumanggi si Basilio at pinili na magpatuloy sa pag-aaral at di makialam sa mga plano ni Simoun.
Hiniling ng mga estudyante ang pagpapatayo ng isang paaralan para sa pag-aaral ng Wikang Kastila. Bagamat hindi pa ito aprubado ay sinisikap ng mga estudyante na sila ay magtagumpay sa kanilang adhikain.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakipagkita si Simoun kay Basilio upang hikayatin itong maghimagsik at tulungan siyang makuha si Maria Clara. Ngunit sa kasamaang palad , si Maria Clara na ililigtas na sana ay pumanaw na noon ding hapong iyon.
Samantalang ang mga estudyante na bigo naman sa kanilang panukala na magpatayo Akademya para sa wikang Kastila ay nagsalu-salo sa Panciterìa Macanista de Buen Gusto. Dahil sa tahasang pagtuligsa ng mga estudyante sa mga prayle sa pamamagitan ng talumpati ay pinadakip sila dahil sa bintang na sila ang may pakana ng mga paskin na naglalaman ng pagtuligsa, paghihimagsik at pagbabala sa harap ng pinto ng unibersidad. Kasama si Basilio sa mga nadakip kaya si Juli na kanyang kasintahan ay labis na nagdamdam.
Nakalaya naman kaagad ang mga estudyante sa tulong ng kanilang mga kamag-anak na inilakad sila para mapawalang-sala maliban kay Basilio. Dahil sa kahirapan ay wala ni isang namagitan sa kanya at dahil sa wala na rin si Kapitan Tiago ay nananatili siyang nakakulong. Inihingi ni Juli si Basilio ng tulong kay Padre Camorra ngunit sa halip na makatulong ito ay siya pang naging sanhi ng kanyang kamatayan dahil sa pagkahulog nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisakatuparan ang plano ay nakipagsosyo siya kay Don Timoteo Pelaez na ipakasal ang kanyang anak na si Juanito kay Paulita Gomez.
Ang ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral at kasama sa mga dadalo sa pagdiriwang ang mga may katungkulan sa Pamahalaan.
Matapos ang dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun kaya’t umanib sya rito. Ipinakita nya kay Basilio ang bomba na gagamitin sa pagpapasabog sa pagdiriwang ng kasal. Ang bombang ito ay lampara na may hugis ng granada at sinlaki ng ulo ng tao. Ang lamparang ito ay magbibigay ng liwanag sa kasal at matapos ang dalawampung minuto ay lalabo. Sa oras na hatakin ang mitsa nito upang mapaliwanag at magdudulot ito ng pagsabog at wala ni isang naroroon ang mabubuhay . Sa kabilang banda naman , magiging hudyat ng paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun ang pagsabog ng ng dinamita sa lampara.
Habang si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang ay nilisan ni Simoun ang lugar. Susunod na sana si Basilio kay Simoun ngunit nakita niya si Isagani. Sinabihan nya ito na umalis ngunit nagkibitbalikat si Isagani. Ipinagtapat ni Basilio ang plano kay Isagani.
Nang mapansin na lumalabo na ang ilaw ng lampara ay agad itong inihagis ni Isagani sa Ilog. Dahil sa pumapalpak ang plano ni Simoun na himagsikan ay nakituloy siya sa tahanan ni Padre Florentino. Siya ngayon ay pinag-uusig na ng mga maykapangyarihan. Nang palapit na ang mga darakip kay Simoun ay uminom ito ng lason upang hindi na mahuli ng buhay at ipinagtapat ang kanyang tunay na pagkatao kay Padre Florentino. Isinalaysay nya lahat mula sa pagbabalik nya sa Pilipinas galing Europa , labintatlong taon na ang nakakalipas. Isinalaysay din nya ang pagmamahalan nila ni Maria Clara at ang pagpapanggap nya bilang si Simoun na mag-aalahas na may layuning maghimagsik sa Pamahalaan. Matapos ang makumpisal ay namatay si Simoun.
Upang hindi na magamit pa sa kasamaan ang kayraming kayamanan ni Simoun ay tinapon ito lahat ni Padre Florentino sa karagatan.
Mga Aral sa El Filibusterismo
“Walang maidudulot na maganda ang paghihiganti, magdudulot lamang ito ng sakit at pighati”
“Mahalin mo ang sariling bayan mo upang mahalin ka rin nito”
“Ang pagmamahal sa sariling wika ay pagmamahal sa sarili at Bayan”
“Edukasyon ang susi hindi lamang sa pag-unlad ng sarili kundi pati sa pag-unlad ng bayan”
“Ang kabuting ginagawa mo sa iyong kapwa ay ikabubuti ng bansa, ang kasamaan na iyong ginagawa sa iyong kapwa ay ikasasama ng bansa”
“Walang lihim na hindi nabubunyag”
” Kapag galit ang namayani walang idudulot na mabuti”
“Hindi kailanman lumilipas ang totoong pagmamahal kahit ilang taon man ang dumaan”
“Huwag gamitin ang kapangyarihan sa kasamaan, gamitin ito sa makabuluhang mga bagay”
“Ang pagpapanggap na ibang tao ay hindi panloloko sa iba kundi panloloko sa sarili mo”
“Gaano man kahirap ang isang bagay , kung ikaw ay determinado walang imposible”
“Marapat lamang na mahalin ang sariling wika natin dahil ito ang syang kaluluwa ng bayan natin”
“Hindi sapat na ang layunin mo lang ang mabuti, dapat ay isinasagawa mo ang layunung ito nang tama at matuwid na walang bahid ng kasamaan”
“Mabuti man ang iyong adhikain kung di naman mabuti ang iyong hakbang na gagawin ay wala rin itong kabuluhan”
nice one pre