Ano ang Kolonyalismo?

You are currently viewing Ano ang Kolonyalismo?

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang kolonyalismo. Noong unang panahon, ang ating bansa ay sinakop ng mga mapang-abuso. Sa artikulong ito ating tatalakayin ang kahulugan ng kolonyalismo at kung ano ang naging epekto nito sa Pilipinas.

Ano ang Kolonyalismo?

Sa simple nitong kahulugan, ang kolonyalismo ay ang direktang pananakop ng makapangyarihang bansa sa mga mahihinang bansa para mapagsamantalahan ang mga yaman nito.

Tinatawag na kolonyalismo ang pananakop ng isang bansa sa iba pang bansa upang palawakin ang teritoryo o nasyong sakop nito na kung saan pinagsasamantalahan ng nanakop na bansa ang mga yamang taglay ng nasakop na bansa. Sa pananakop na ito hindi lamang yaman ang inaangkin kundi maging iba pang pangangailangan ng nanakop na bansa. Madalas mang maihalintulad ang kolonyalismo sa imperyalismo, gayunpaman ay mayroon parin itong pagkakaiba. Kung ikukumpara sa imperyalismo, maaaring magsilbing base para sa kalakalan at militar ang kolonya. Layunin ng kolonyalismo ang makinabang sa kung anong mayroon ang nasakop na bansa upang magamit sa pag-unlad ng mananakop na nasyon.

Kasabay ng pananakop ng isang bansa ay pagbabahagi at pagdadala ng mismong relihiyon, paniniwala, at iba’t ibang gawi nito. Ibinabahagi ng mananakop ang kanilang mga kaalaman sa kultura nila, gawi tulad ng mga pagdiriwang, at maging sa relihiyon na sadyang lubos na nakakaimpluwensya Sa pagpatuloy na pagyakap ng nasakop na bansa sa kulturang dala nito ay masasabing tagumpay ang konsepto ng kolonyalismo. Nagkakaroon ng madaming oportunidad sa kalakalan ang mga bansang nanakop. Sa paglawak ng teritoryo ng mga bansa ay siya ring paglakas ng kapangyarihan nito.

Epekto ng Kolonyalismo sa Pilipinas

Ang kolonyalismo ay nag-iiwan ng bakas sa isang bansa. Dahil sa pananatili ng mga dayuhang mananakop ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating mga nakaugalian at mga kultura. Napapalitan din nito ang ilan sa sistema ng pamumuhay ng mga taong lokal. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. (Nakapaloob sa artikulong ito ang naging epekto ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas.)

Kultura

Malaki ang naging epekto ng kolonyalismo sa kultura ng Pilipinas. Dahil sa pananatili ng mga mananakop sa Pilipinas, ang mga tao sa ating bansa ay natutunan ang mga gawi ng mga dayuhan. Napagbabago nito ang pananaw ng isang indibidwal at napapamahal siya sa kultura ng bansang nanakop. Kaugnay nito, ang kultura ng sarili nating bansa ay nalilimutan.

Relihiyon

Malaki ang kontribusyon ng pananakop sa ating relihiyon. Alam mo ba na ang pagiging Kristiyano ng malaking populasyon sa Pilipinas ay bunga ng kolonyalismo? Noong tayo ay sinakop ng mga Espanyol, ipinakilala nila ang relihiyong katoliko. Mula sa pagsamba ng ating mga ninuno sa mga anito, ipinakilala ng mga Espanyol ang dapat kilalanin at sambahing diyos.

Edukasyon

Sa pagdating din ng mga taga Espanya, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Nagkaroon ng mga paaralan at unibersidad kung saan mas malilinang pa ang kakayahan ng isang indibidwal.

Pamahalaan

Bago pa man naganap ang kolonisasyon, ang Pilipinas ay mayroon ng sistema ng pamahalaan. Ang mga namumuno noon ay tinatawag na Datu. Nang dumating ang mga taga Espanya, ito ay nabago rin. Ang pamahalaan ay naging sentrilasado at nagkaroon ng mga posisyon tulad ng gobernador heneral.

Arkitekto

Sa pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa, naipakilala din ang paggamit ng bato sa mga imprastraktura. Napatibay nito ang mga bahay ng mga mamamayan. Matururing itong mabuting naidulot ng kolonisasyon sapagkat nagkaroon ng mga gusali at mga daan ang Pilipinas.

Pinagbatayan

This Post Has 2 Comments

  1. C***e

    i like this website! it helps me with my homework when i dont understand the question
    i’ll recommend this to my friends!.

    1. Brian Carlo

      Thank you po! ☺️

Leave a Reply