Ang Tekstong Persweysiv

Ang Tekstong Persweysiv

Ang tekstong persweysiv (persuweysib) ay ang tekstong naglalayong makapangumbisi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa. Ito rin ay pagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya.

Halimbawa ng Tekstong Persweysiv

-iskrip sa patalastas
-propaganda sa eleksyon
-Pliers ng produkto
-brochures na nanghihikayat
-networking (Open Minded Ka Ba? HAHAHAH)
– kahit anong panghihikayat

Tatlong elemento at paraan ng panghihikayat

Ayon kay Aristotle, may tatlong elemento ang panghihikayat. Ito ang Ethos, Pathos at Logos.
1.Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.
2.Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
3.Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

Propaganda devices sa Tekstong Persweysiv

1. Name Calling

Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
Halimbawa:
-Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Tuwing eleksyon ay nagbibigay ng di magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika atbp.
-Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.

2. Glittering Generalities

Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Halimbawa:
-Sa isang commercial ni James Reid na ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.

3. Transfer

Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa:
-Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.
-Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, Dahil siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipili siya upang magpromote ng mga gamot na di pa masyadong sikat sa merkado.

4. Testimonial

Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Halimbawa:
-Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na wag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.

5. Plain Folks

Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
Halimbawa:
-Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
-Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso ng kanilang produkto.

6. Bandwagon

Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa:
LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.
Joy (Sabong panlaba); Pinapakita sa commercial nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng Joy sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo.

7. Card Stacking

Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.


Kung naghahanap ka pa ng iba pang uri ng teksto, maari mo ding tingnan ang mga sumusunod. Ang iba pang uri ng teksto ay ang Tekstong Deskriptibo at Tekstong Prosidyural.

Last Modified on

Leave a Reply