Ano ang Ideolohiya: Kahulugan, Kategorya at mga Halimbawa

You are currently viewing Ano ang Ideolohiya: Kahulugan, Kategorya at mga Halimbawa

Ang bawat bansa ay may pinaniniwalaang uri ng pamamalakad. Ang mga kaisipang ito ay nagsisilbing gabay ng pamahalaan upang makagawa ng mga batas na sasang-ayon ang kanilang nasasakupan. Ang kaisipang ito ay tinatawag na ideolohiya. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang kahulugan nito, ang mga kategorya nito, at ang iba’t-ibang halimbawa ng ideolohiya.

Ano ang Ideolohiya?

Ang ideolohiya ay ang agham ng mga ediya o kaisipan. Ito ay sistema ng mga ediya na naglalayong maipaliwanag ang daigdig at mga pagbabago dito. Maituturing din itong pamantayan at gabay ng mga pinuno kung paano nila pamamahalaan ang kanilang nasasakupan.

Sa iba pang kahulugan, ang ideolohiya ay ang koleksyon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at sinusunod ng malaking pangkat ng mga tao. Nakapaloob sa kaisipang ito ang kanilang mga ideya, simulain, prinsipyo at paniniwala. Samakatuwid, ito ay ang pwersa na nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa.

Ang salitang ito ay ipinakilala ni Destutt de Tracy, isang Pranses na pilosopo noong ika 18 siglo.

Iba’t-ibang Kategorya ng Ideolohiya

May tatlong kategorya ang ideolohiya. Ito ay ang sumusunod: Ideolohiyang Pangkabuhayan, Ideolohiyang Pampulitika, at Ideolohiyang Panlipunan.

Ideolohiyang Pangkabuhayan

Ang kategoryang ito ay nakapokus sa mga patakaran na magpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Sa ideolohiyang pangkabuhayan, tinatalakay din ang wastong pagbabahagi ng mga kayamanan sa mga mamamayan. Nakapaloob sa talakayang ito ang karapatan ng mga mamamayan na makapagtayo ng negosyo, mamasukan, makapagbuo ng samahan, at ang karapatan ng mga manggagawa na magreklamo sa mga kapitalista.

Ideolohiyang Pampulitika

Nakasentro naman ang ideolohiyang pampulitika sa pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan. Tinatalakay dito ang mga pamamaraan na dapat gawin ng mga namumuno, at ang pakikilahok ng mga nasasakupan sa mga desisyon ng mga nakatataas. Binibigyang diin ng sa ideolohiya na ito ang karapatan ng mga mamamayan na magsalita laban sa mga anomalyang nagaganap sa gobyerno.

Ideolohiyang Panlipunan

Tumutukoy naman ito sa karapatan ng mga mamamayan na maging pantay-pantay sa mata ng batas at iba pang aspeto ng pamumuhay.

Iba’t-ibang Uri ng Ideolohiya (Mga halimbawa)

Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng Ideolohiyang lumaganap sa daigdig.

  1. Kapitalismo – Ito ay sistemang pangkabuhayan kung saan mas makapangyarihan ang mga pribadong mangangalakal kaysa pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa.
  2. Monarkiya – Isang pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa iisang tao lamang. Sa pamahalaang ito, hari o reyna ang namumuno.
  3. Demokrasya – Sa ideolohiyang ito, ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Ang mga nasasakupan ay may karapatang magsalita laban sa gobyerno at magtalaga ng bagong mamumuno sa pamamagitan ng botohan.
  4. Totalitaryanismo – Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong makapangyarihan. Ang lahat ng desisyon, usapan at kilos ng tao sa isang bansa ay hawak ng pamahalaan.
  5. Awtoritaryanismo – Uri ng pamahalaan kung saan ang taong namumuno ay pinakamakapangyarihan sa lahat. Kalimitang tinatawag din na diktador ang taong namumuno dito.
  6. Sosyalismo – Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay hawak ng iisang grupo ng tao lamang. Ang layunin nito ay magkaroon ng pagkakaisa at magkaroon ng pantay na distribusyon ng yaman ang mga nasasakupan.

Mga Pinagkunan

Leave a Reply